(image source of old Philippine Flag: http://www.everydayfishphil.com/)
Ang mga pinagtagpi-tagping kulay na nakaladlad sa inyong harapan, ay sumasagisag sa watawat ng ating inang bayan - Ang Pilipinas.

Ito ang kumakatawan ng sangkatauhan, nagkakaisa ang bawat layunin upang maging ganap ang kabuoan, magkakalaktaw na lupain na kailanman ay hindi mapaghihiwalay, na ang kapangyarihan ay panglipunan, na may iisang adhikain, Malaya at makataong gawa.
Ito ay simbulo ng ating pambansang kalayaan, binuo sa isipan at pumailanlang sa lahat ng mga mapagmahal at maharlikang nilalang sa bayang sinilangan.
Nililok sa panahon ng matitipunong kamay, inilunsad ng mga taong mapagpahalaga sa bayan at iginiya ng mapagpalang kalikasan sa tamang patutunguhan.
Isang moog na bakas ang sa atin ay ipinamana at buhay na ala-ala sa karapatan ng bawat isa.
Kasaysayang naisulat sa panahon ng pagsisimula at pagbalangkas ng isang matatag na bansa.
Lukso ng damdaming nasa dibdib ay mananatili, mga pagmumuni-muni na kaya lang mapapawi, kung wala na ang lahi at ubos na ang lipi.
Ang araw ay naglalarawan ng patuloy na pagsibol ng bayan, at nagpapatunay sa buhay na walang hanggan, ito ang pumapatnubay sa landas na ating nilalakbay.
Ang kanyang walong sinag ay palatandaan ng unang walong bayan ba nagsama-sama para sa kalayaan, ang kislap ng tatlong bituin ay liwanag ng tatlong lugar na lupain, handog ng Poong Maykapal sa atin.
Ang puting tatsulok sa atin ay hated, matiwasay at makakapwang pahiwatig, na ang kawangis ay tunay at dalisay na paggala, ito ang pakahulungan sa tatlong mukha ng kapatiran, tapat na paniniwala, walang hanggang pag-asa at wagas na kawang-gawa.
Ang asul na bahagi ay nagsisiwalat, ng taos pusong paglilingkod at ng ating kalidad, na may malinis na hangarin para sa lahat.
Ang kulay pula ay siyang nagbabadya ng ating lakas na walang hangganan, na dapat pakahawakan sa nasasakupang kalawakan.
Sa kalahatan, ang araw, ang tatsulok at tatlong bituin na bumubuo sa ating bandila ay simbulo ng Masonarya, "Kapatiran ng tao na nasa pangangalaga ng Diyos Ama".
Bilang pangarap ng ating mga kanunuan, ito ay bayaang magwagayway ng malaya sa ating mga lupain ng buong tiwala.
Inyong pagmasdan ang ating watawat, na inililipad-lipad ng hanging habagat, na sa kanyang ganda at dilag ay walang kahalintulad.
Ang siyang pinagkukunan ng lakaw at tapang ng ating mamamayan sa buhay na tahimik, malaya at may sariling galaw.
Ito ay dapat pugayan sapagkat dito nagmumula, ang tuwa at kagalakan, ng ating mga ninuno at bayani maging noong una pa mang kapanahunan.
Ang labi ay idampi bilang pagkilala sa bandila, ng mga matatapang na bunga ng ating Rajah Soliman at Maria Clara.
Ikuyumos sa dibdib ang pinahahalagahang kulay, na ang kaakibat ay ang inang bayang Pilipinas.
Ito'y isapuso para matantong ganap ang kadakilaang gumagabay sa bawat alon ng ating buhay.
Igawad ang pagmamahal upang malasap ang katumbas sa pagbubuwis ng buhay, ng ating mga namayaning kapatid sa kapatid sa digmaang tinugaygay.
Ibigay ang karapat-dapat na paggalang, dahil ito ang aninong gumagalaw na sa ating ay lumulukob sa lupang sinilangan.
Ipaubaya sa kataas-taasan hanggang sa dako pa roon, kahit ito ay piping saksi na nagkanlong, sa mga duguan at luray-luray na himaymay ng ating mga bayaning binawian ng buhay.
Ialay ang kabanalan sa ating Panginoon ng mga kapatid at bayaning hindi na nakabangon, na ngayon ay nasa kalinga ng Mahal na Poon.
At ipagkatiwala ng buong tapat sa kalangitan at sa mabuting kaugalian na ating kinagisnan, sana ito ay pakaingatan para sa ating kinabukasan ng ating mga anak at mga anak pa ng ating anak, ito ay matamang papurihan at taimtim na dasalan na ang mga namatay ng dahil sa bayan ay hindi namatay lang ng walang kabuluhan.
(reprinted from The Far Eastern Freemason, 2nd Quarter 2009, pp 25-27)
(source of flag image: http://www.aiphilippines.org/1_2_AAI-Philippines.html)
- - - - - -
"It is one of the most beautiful compensations of this life that no man can sincerely try to help another without helping himself." - Ralph Waldo Emerson

No comments:
Post a Comment